Buhawi nanalasa sa Marawi, ilang mga establisyimento nawasak

By Rhommel Balasbas November 05, 2019 - 04:44 AM

Zia Alonto Adiong photo

Nanalasa ang isang buhawi sa Marawi City araw ng Lunes at winasak ang ilang mga bahay at establisyimento.

Sa viral video at photos sa social media makikita ang nagliliparang mga bubong na dulot ng malakas na hangin.

May isang bubong pa na bumagsak sa nakaparadang mga sasakyan.

Ayon sa ulat ng Marawi City Disaster Risk Reduction and Management Office, tumagal ang pananalasa ng buhawi ng 10 minuto.

Naapektuhan nito ang mga baranggay ng Sagonsongan, Barrio Fort, Bangon, Green at Saber.

Nawasak ang pitong silid-aralan at 42 bahay ang nagtamo ng partial damage.

Napinsala rin ang isang auditorium, waiting shed at maging ang city hall at gusali malapit sa Amai Pakpak Hspital.

Maswerte namang walang nasaktan sa pananalasa ng buhawi.

TAGS: buhawi, Marawi City, partial damage, winasak, buhawi, Marawi City, partial damage, winasak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.