Magkakahiwalay na pagyanig naitala sa Davao Occidental at Cotabato
Magkakahiwalay na pagyanig ang naitala sa Davao Occidental at Cotabato ngayong Martes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental alas-2:03 ng madaling-araw.
Ang episentro nito ay sa layong 130 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim ang pagyanig na 11 kilometro.
Ala-1:51 naman nang tumama ang isang magnitude 3.3 na aftershock sa Cotabato.
Ang episentro ay sa layong 22 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Makilala.
Mababaw ang pagyanig at may lalim lang na isang kilometro.
Naitala ang Intensity II sa Kidapawan City.
Mayroon ding magnitude 2.9 na aftershock na naitala naman sa walong kilometro Hilagang-Silangan ng Tulunan kaninang alas-2:08.
May lalim naman ang pagyanig na 25 kilometro at naitala rin ang Intensity II sa Kidapawan.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang nagdulot ang mga ito ng pinsala sa ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.