Duterte, maagang uuwi ng bansa; hindi na dinaluhan ang 2 ASEAN events

By Rhommel Balasbas November 05, 2019 - 03:07 AM

PCOO photo

Maagang tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita sa Thailand at hindi na dinaluhan pa ang dalawang huling events ng 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit and related meetings.

No-show ang pangulo sa 3rd Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) summit at ASEAN closing ceremony araw ng Lunes.

Batay sa schedule ng pangulo, nakatakda niyang daluhan ang mga ito bago bumalik ng Pilipinas Lunes ng gabi.

Gayunman, sina Trade Secretary Ramon Lopez at Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. na ang dumalo sa RCEP Summit at ASEAN closing ceremony.

Sa mga larawang ibinahagi ng PCOO Global Media Affairs, makikita ang send-off party para kay Duterte bago ito tumungo sa Don Mueang International Airport sa Bangkok.

Wala pang pahayag ang Palasyo ng Malacañang ukol sa pagbabago sa schedule ng pangulo.

Pinakahuling nilahukan ng presidente ay ang 22nd ASEAN-Japan summit kung saan kinilala nito ang malaking kontribusyon ng Japan sa pag-unlad ng Southeast Asian region.

Bago naman ang 22nd ASEAN-Japan Summit ay nakapulong ni Duterte si Prime Minister Shinzo Abe.

 

TAGS: Asean summit, closing ceremony, maagang umuwi, RCEP, Rodrigo Duterte, thailand, Asean summit, closing ceremony, maagang umuwi, RCEP, Rodrigo Duterte, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.