Lalaki tinutugis dahil sa droga, baril at pera sa Makati City

By Len Montaño November 05, 2019 - 02:24 AM

Tinutugis ng pulisya ang isang motorcycle rider na nahulihan ng droga, baril at pera sa Makati City.

Ayon kay Makati Police chief Col. Roger Simon, unang sinita ang lalaki dahil sa traffic violation na swerving sa EDSA Magallanes.

Hiningi ng pulis ang driver’s license ng lalaki pero nang kunin nito ang wallet ay nahulog ang isang sachet ng shabu.

Sa gitna nito ay biglang tumakas ang suspect pero naiwan nito ang kanyang bag.

Nang inspeksyunin ang bag ng lalaki ay tumambad ang mahigit P20,000 cash, isang baril at shabu na nagkakahalaga ng P30,000.

Mayroong ID sa naiwang bag kaya tinutugis na ngayon ng pulisya ang suspect.

 

 

TAGS: baril, makati city, rider, shabu, swerving, traffic violation, baril, makati city, rider, shabu, swerving, traffic violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.