Kaso ng CIDG vs Albayalde mahina ayon kay PDEA chief Aquino

Para kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino, mahina ang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.

Ayon kay Aquino, ito rin ang unang pahayag ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Alam anya ni Magalong kung malakas o hindi ang kaso at sinabi na dati ni Magalong na matatagalan ang case build-up laban kay Albayalde.

Dahil dito ay hinimok ni Aquino ang PNP na palakasin ang kaso laban sa dating PNP chief.

Maaari anyang magsampa ang PNP ng ibang kaso laban kay Albayalde at maglatag ng dagdag na ebidensya.

Kinasuhan na si Albayalde ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa drug raid sa Pampanga noong 2013 na kinasangkutan ng tinatawag na ninja cops.

 

Read more...