9 na Filipino seamen, dinukot ng mga pirata sa Africa

By Len Montaño November 05, 2019 - 12:58 AM

Siyam na mga Pilipinong tripulante ang naiulat na dinukot ng mga hinihinalang pirata sa Benin, lugar sa kanluran ng Africa.

Ayon sa otoridad, naghihintay ang mga Pinoy sa harbor ng port of Cotonou nang sila ay kidnapin noong umaga ng Sabado, November 2.

Ang mga Pinoy crew at kapitan ng barkong Bonita ay dinukot ng mga pirata, siyam na milya ang layo mula sa port.

Kinumpirma ng may-ari ng barko na Ugland company na base sa Norway na umatake ang mga pirata habang naka-angkla ang barko.

“9 crew members were taken off the vessel while she was waiting for berth to discharge inbound cargo, gypsum. Remaining crew notified local authorities and Bonita arrived alongside in Cotonou later the same day,” nakasaad sa pahayag.

Madalas ang pamimirata sa Gulf of Guinea kung saan ay may mga pagkakataon na ilang-araw na dina-divert ng mga pirata ang barko. (Len)

 

TAGS: 9 seamen, Africal, Benin, crew, dinukot, filipino, kapitan, pirata, port of Cotonou, Ugland company, 9 seamen, Africal, Benin, crew, dinukot, filipino, kapitan, pirata, port of Cotonou, Ugland company

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.