Pasig City magdo-donate ng P14M at relief goods sa mga biktima ng lindol

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Pasig City ng P14 milyon at mga relief goods sa mga biktika ng lindol sa Mindanao.

Nakasaan sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto na sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ay nagpatawag ito ng sesyon ng Sanggunian araw ng Martes para sa pormal na pag-apruba ng donasyon.

Direkta sa mga syudad at munisipalidad ang donasyon ng Pasig City government.

Narito ang halaga ng donasyon sa mga lugar sa Mindanao na nilindol:

Magsaysay – P2 milyon

Bansalan – P2 milyon

Matanao; P1 milyon

Makilala- P3 milyon

Tulunan – P2 milyon

M’Lang – P2 milyon

Kidapawan – P2 milyon

Hinimok naman ang publiko na patuloy na tulungan ang mga residente na biktima ng malakas na lindol noong nakaraang linggo.

 

Read more...