Operasyon ng MRT-3, balik-normal na

By Angellic Jordan November 04, 2019 - 06:33 PM

Balik-normal na ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos magpatupad ng provisional service, Lunes ng hapon.

Sa abiso ng DOTr-MRT-3 sa Twitter, inialis ang provisional service bandang 6:06 ng gabi.

Ipinatupad ang provisional service makaraang magkaroon ng smoke emission sa isang tren sa Santolan Station bandang 4:08 ng hapon.

Dahil dito, pinababa ang 530 na pasahero sa tren.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na walang pasaherong nasugatan sa insidente.

TAGS: dotr, MRT 3, provisional service, smoke emission, dotr, MRT 3, provisional service, smoke emission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.