Comelec, hindi na ikinagulat ang pag-apruba ng Kamara na ipagpaliban ang 2020 Brgy. & SK elections
Hindi na ikinagulat ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-apurba ng Kongreso hinggil sa pagpapaliban ng 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, hindi minadali ng ahensya ang preparasyon sa nasabing eleksyon bunsod ng usapin ukol sa panukala.
Dahil dito, pagtutuunan aniya ng pansin ng Comelec ang proseso ng muling pagsisimula ng voter registration.
Paghahandaan na rin aniya ang 2022 National and Local Elections.
Mauurong na ang Brgy. and SK elections sa unang Lunes ng December 2022.
Matatandaang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang pagnanais na ipagpaliban ang 2020 Brgy. and SK elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.