Bumuo ang Philippine National Police ng donation drive para sa mga apektado ng tumamang malalakas na lindol sa Mindanao region.
Sa press briefing sa Camp Crame, hinikayat ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang kanilang hanay na boluntaryong magbigay ng donasyon para makapag-abot ng tulong sa mga biktima.
Maaari aniyang magbigay ang sinumang pulis simula P10 pataas.
“‘Yung voluntary donation from all the PNP members starting at 10 pesos but I’m… encouraging everyone to donate some more for the victims doon sa earthquake natin sa Mindanao particularly in Regions 10, 11 and 12,” pahayag ni Gamboa.
Ani Gamboa, marami ring pulis ang apektado ng lindol kung saan 77 ang naitala sa Region 12.
Inaalam pa rin aniya kung ilang pasilidad ng PNP ang nasira bunsod ng lindol.