Netizens, to the rescue kay Pia Wurtzbach sa paghahabol sa kaniya ng BIR

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2016 - 04:11 PM

Pia4Umani ng batikos mula sa mga netizens ang pahayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na walang tax exemption si Pia Wurtzbach sa pagkakapanalo niya bilang Miss Universe.

Sa pahayag, sinabi ni Henares na kailangan umanong ideklara ni Pia ang lahat ng kaniyang napanalunan pagbalik niya sa bansa at bayaran ang karampatang buwis.

Ikinagalit naman ng mga netizens ang pahayag na ito ni Henares.

Sa mga post sa twitter, sinabi ng ilang netizens na habang ang mga Pilipino ay masaya sa pagkapanalo ni Wurtzbach, masaya naman si Henares sa buwis na sisingilin kay Wurtzbach.

Sa twitter account na @Payalwoo, sinabing hindi pa man nakakauwi si Pia ay nakaantabay na sa buwis si Henares. “Sarap sampalin ni Kim Henares. Di pa nga nakakauwi si Pia Wurtzbach nakaabang na siya sa tax niya for BIR TSK.” Ayon kay @PayaIwoo.

Narito ang iba pang reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Henares:

@MyNameIsT_O_S_H: Grabe si Kim Henares. Talagang pagbabayarin si Miss Universe Pia Wurtzbach ng tax!!! Grrrrr

@winter0813 : “I’m happy that Pia Wurtzbach won the crown and Kim Henares is happy because there’s an incoming money (TAX) that they can steal,”

Jon San Miguel: Yay! Kim Henares! 💸 Busog! No tax exemption on Pia Wurtzbach winnings

Vincent Samson: Ms. Kim Henares @PiaWurtzbach @MissUniverse won’t be keeping the real Miss Universe crown. Baka naman mas mahal pa ang tax niya sa replica.

Vince: magpupunyagi si Kim Henares ngayon, panigurado may tax yang crown na iuuwi ni Ms Pia Wurtzbach. oh di kaya patay ka sa customs niyan hahaha.

Dhexter Pagalanan: Wooh!! Kim Henares pera pera na lang ba!? Pati Korona ni @PiaWurtzbach may Tax! My God! #KimHenares MONEY GIRL!!! tsk! tsk!

Diegs: Kim Henares. JACKpot nanaman sa Tax na mkukuha sa EX kong si @PiaWurtzbach #LetsengGobyerno #PartidongPinoy #BIR.

Hindi sinabi ang eksaktong halaga ng Miss Universe prize package.

TAGS: Kim Henares, Pia Wurtzbach, Kim Henares, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.