Tiwala ng publiko sa PNP, unti-unti nang bumabalik – Gamboa

By Angellic Jordan November 04, 2019 - 05:07 PM

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na unti-unti nang naibabalik ang tiwala ng publiko sa kanilang hanay.

Ito ay matapos ang pagkakasangkot ng pambansang pulisya sa isyu ukol sa drug recycling.

Sa press briefing sa Camp Crame, inihayag ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na kumbinsido siyang unti-unti nang naibabalik ang kumpiyansa ng publiko sa kanila.

Sinabi pa nito na hayaan ang publiko ang magsalita kung nakakatulong ang isinasagawang imbestigasyon kina dating PNP chief General Oscar Albayalde at 13 iba pang pulis na sangkot umano sa pagre-recycle ng droga sa 2013 drug raid.

“Let the people speak kasi kung sasabihin ko naman, it will be biased. So, we’ll see what the people will do.. what the people will speak about and kung ano ang appreciation nila on the things that is happening in the PNP,” pahayag ni Gamboa.

Tiniyak naman ni Gamboa na magiging patas ang imbestigasyon sa kaso nina Albayalde at iba pang pulis.

TAGS: drug recycling, Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP, tiwala, drug recycling, Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP, tiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.