Demurrer to evidence ng ilang dating opisyal ng PCG na sabit sa katiwalian ibinasura ng S’Bayan
Ibinasura ng second division ng Sandiganbayan ang inihaing demurrer to evidence ng pitong opisyal ng Philippine Coast Guard kasama ang dati nitong Commandant.
Sa pitong pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, hindi nito pinagbigyan ang inihaing mosyon nina Commander William Ocular Arquero, Commander Rommel Supangan, Commander John Badong Esplana, Vice Admiral Rodolfo Diwata Isorena, Captain Joeven Libreja Fabul at Captain Ramon Lopez dahil sa kawalan ng merito.
Ibinasura naman ang mosyon ni Ferrer Caguioa, head ng PCG accounting dahil nabigo itong matugunan ang kinakailangang requirements sa ilalim ng Rules of Court.
Sa ilalim ng Rules of Court ang Demurrer to Evidence ay inihahain ng akusado matapos makapagprisinta ng ebidensya ang prosekusyon.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9184 o Ang Government Procurement Reform Act matapos na magkaroon ng iregularidad sa pagbili ng office, hardware, construction supplies, information technology equipment, at cellular phone cards noong 2014 na nagkakahalaga ng P67 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.