Brgy. Chairman patay sa pamamaril sa Bulacan

By Angellic Jordan November 04, 2019 - 03:30 PM

Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin sa San Ildefonso, Bulacan araw Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Provincial Police Office, kinilala ang biktima na si Rosteo Salao, 67-anyos, chairman ng Barangay Lapnit.

Binaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem si Salao bandang 6:00 ng umaga.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo sa likod ng pananambang.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagpatay sa isang barangay chairman sa lugar sa loob ng dalawang linggo.

TAGS: Bulacan, chairman, lapnit, san ildefonso, shooting, Bulacan, chairman, lapnit, san ildefonso, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.