Pangulong Duterte maayos ang kalagayan kahit ‘late’ sa family photo sa ASEAN Plus Three Summit sa Thailand

Tiniyak ng Malakanyang na maayos ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng palasyo matapos ma-late si Pangulong Duterte sa family photo ng ASEAN Plus Three Summit dahil bahagya itong nahuli ng dating para sa photo opportunity.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nahuli ng ilang minuto ang pangulo dahil dumaan muna ito sa rest room.

Wala naman aniyang dapat ipag-alala ang publiko at wala pa ring pagbabago sa schedule ng pangulo.

Dadalo pa rin aniya si Pangulong Duterte sa mga meeting ngayong araw para sa nagpapatuloy ika-35 ASEAN Summit tulad ng una nang nakatakda.

Read more...