30,000 katao sa Regions 11 at 12 hindi pa rin makauwi sa kanilang mga tahanan matapos ang lindol sa Mindanao
Aabot pa sa 30,000 katao ang nananatiling hindi makauwi sa kanilang mga tirahan sa Region 11 at 12 matapos ang sunud-sunod na lindol sa Mindanao.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 31,465 na katao pa ang hindi nakakauwi simula noong nakaraang linggo.
Sa nasabing bilang, 24,000 na katao ang nasa mga evacuation centers sa Regions 11 at 12, habang 7,465 ang nanunuluyan pansamantala sa kaanak at kaibigan.
Samantala, 29,377 na mga bahay naman ang napinsala ng lindol sa nasabing bilang, 21,064 na mga bahay ang nawasak
Ayon sa DSWD, mahigit P11 million halaga na ng tulong ang naibigay sa mga apektasdong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.