Wanted na Chinese naaresto sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2019 - 12:20 PM

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na wanted sa kanilang bansa.

Kinilala ang dayuhan na si Chen Long, 32 anyos na may alyas na Chen Chenglong.

Naaresto si Chen matapos ipabatid ng pamahalaan ng China na ito ay wanted at nagtatago dito sa Pilipinas.

Nabatid na umabot sa P400 million ang katumbas na halaga ng natangay ni Chen at kaniyang mga kasabwat sa pagtatayo ng isang hindi rehistradong investment company sa Shandong.

Nakakulong na ngayon ang dayuhan sa BI Detention Center sa Bicutan habang ipinoproseso ang deportation sa kaniya.

TAGS: chinese national, investment scam, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wanted in china, chinese national, investment scam, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wanted in china

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.