Pangulong Duterte hindi nakasama sa family photo session ng 22nd ASEAN Plus Three Summit

Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa family photo session ng 22nd Association of Southeast Asian Nations (Asean) Plus Three Summit na ginaganap sa Thailand.

Ginanap ito alas 8:30 ng umaga pero dumating sa venue ang panguloalas 8:53 na ng umaga.

Nakadalo pa rin naman ang pangulo sa morning session para sa huling araw ng summit.

Nagsilbing kinatawan ng pangulo para sa photo session si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Junever Mahilum-West.

Tiniyak naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na “okay” lang ang pangulo at na-late lang ito dahil nag-CR pa.

Kinailangan aniyang dumaan sa restroom ng pangulo kaya nahuli ito ng ilang minuto.

Read more...