Dalawa patay sa aksidente sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2019 - 10:49 AM

Dalawa ang nasawi kabilang ang isang bata sa magkahiwalay na aksidente na naganap sa Quezon.

Nasawi si Junjake Brizo, 5 taong gulang na bata at residente ng Gumaca, Quezon nang masagasaan ng pampasaherong bus sa Mharlika Highway Lunes (Nov.) alas 6:30 ng umaga.

Naisugod pa sa Gumaca District Hospital ang bata pero nasawi din dahil sa natamong matiding pinsala.

Kusa namang sumuko sa Plaridel Police Station ang driver ng bus na si Demetrio Angeles.

Samantala, sa Sariaya, Quezon naman, nasawi ang rider na si John Paul Grimaldo, 20 anyos nang mabangga sa isa ring bus.

Nangyari ang aksidente Lingg (Nov. 3) ng gabi sa Barangay Guis0Guis.

Sa inisyal na imbestigasyon, inokupa ng motorsiklo ang kabilang lane ng eco-tourism road kaya nakabanggaan nito ang bus.

Nakakulong ngayon sa Sariaya Police jail ang driver ng bus na si Efren Reparto.

TAGS: accident, Gumaca, Quezon, Sariaya, accident, Gumaca, Quezon, Sariaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.