P2k SSS pension hike, ikapapahamak ng 30 milyong miyembro ayon kay PNoy

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2016 - 02:14 PM

pnoyNanindigan si Pangulong Benigno Aquino III sa desisyon niyang i-veto ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ng P2,000 ang buwanang pensyon na tinatanggap ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).

Sa panayam sa pangulo sa pagdalo nito sa isang event sa Bulacan, iginiit niyang hindi patas na aprubahan ang nasabing panukalang batas at masasakripisyo ang nakararaming miyembro nito.

Dagdag pa ni PNoy, ang SSS pension hike ay ikatutuwa ng dalawang milyong SSS retirees pero ikapapahamak ng 30 milyong miyembro nito. “Matutuwa yung 2 million, mapapahamak yung 30 million. Tama ba ang pagbabantay natin ng pondong ito?” ayon sa pangulo sa isang ambush interview.

Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na maraming bagay na ikinunsidera kabilang na ang kasalukuyang income ng SSS at ang economic at financial situation.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawang pag-veto ng pangulo sa House Bill No. 5842.

TAGS: Aquino insists SSS pension increase not good in the long run, Aquino insists SSS pension increase not good in the long run

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.