Bumiyaheng pasahero sa magdamag umabot sa mahigit 50,000

FILE PHOTO
Umabot sa mahigit 50,000 ang naitalang bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo (Nov. 3) hanggang alas 12:00 ng madaling araw ng Lunes (Nov. 4) ay umabot sa 51,050 ang naitalang outbound passengers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Pinakamaraming naitalang pasahero Central Visayas na umabot sa 13, 087 sa mga pantalan sa Cebu, Bohol at Southern Cebu.

Ikalawa ang Western Visayas na umabot sa 10,531 ang pasahero sa mga pantalan sa Iloilo, Aklan, Antique at Guimaras.

Sumunod ang Northern Mindanao kung saan umabot sa 6,075 ang bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Surigao del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental at Camiguin.

4,978 na pasahero naman ang bumiyahe sa Southern Visayas sa mga pantalan sa Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor.

Sa Eastern Visayas naman ay umabot sa 4,616 ang bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Western Leyte, Southern Leyte at Northern Samar.

Sa Southern Tagalog naman ay 4,139 ang naitalang bumiyaheng pasahero sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro at Romblon.

Libu-libo rin ang naitalang mga pasaherong bumiyahe sa South Eastern Mindanao, Bicol, South Western Mindanao, at sa NCR.

Read more...