LTFRB magsasagawa ng public consultation sa hirit na cancellation fees sa TNVS

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2019 - 08:00 AM

Magsasagawa ng dalawang araw na public consultation ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa hirit na magkaroon ng cancellation fees sa mga TNVS.

Ayon sa abiso ng LTFRB, gaganapin ang public consultation para sa commuting public sa Nov. 5, 2019 alas 2:00 ng hapon.

Habang ang public consultation para naman sa TNVS operators at drivers ay gaganapin sa Nov. 7, 2019 sa parehong oras.

Gagawin ang dalawang public consultation sa 4th Floor Conference Room sa LTFRB Central Office, East Avenue, Quezon City.

Inaanyayahan ng LTFRB ang publiko lalo na ang mga madalas na sumakay sa TNVS na dumalo sa consultation.

Tatalakayin kasi dito ang panukalang magkaroon na ng singil o bayad ang pagkansela ng booking sa TNVS.

TAGS: ltfrb, PH news, Philippine breaking news, public consultation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TNVS, ltfrb, PH news, Philippine breaking news, public consultation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.