Bataan at Zambales uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa lalawigan ng Bataan at Zambales sa susunod na mga oras.

Ayon sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 4:40 ng umaga ng Lunes, Nov. 4 apektado ng trough ng Low Pressure Area (LPA) ang nasabing mga lalawigan.

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Zambales at Bataan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Pampanga at Tarlac.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibilidad na pagkakaroon ng pagbaha o landslide.

Read more...