Mahigit 80 taxi drivers ng isang kumpanya sa Maynila, isinailalim sa drug test
Dahil sa dumadalas na reklamo laban sa mga taxi drivers, nagsagawa ng sorpresang pagbisita ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) sa isang terminal ng taxi sa Tondo, Maynila.
Maaga pa lamang o bago ang makalabas ng terminal ang mga unit ng Ran-Gen Taxi para bumiyahe, dumating na ang mga tauhan ng LTO at LTFRB.
Ininspeksyon ang taxi units habang isinailalim naman sa drug test ang mahigit 80 drivers ng kumpanya.
Kabilang sa mga sinuri sa mga taxi unit ang mga dokumento, proper markings, makina, ilaw at iba pang bahaging sasakyan.
Ang mga pumasa sa pagususuri ay binibigyan ng clearance para makalabas ng terminal at makabiyahe.
Sa mahigit 80 naisailalim sa drug testing as of 10:00AM ay wala pa namang nag-positibo.
Sakali namang may magpositibo na driver ay ipoproseso ng LTO ang pagkansela sa kanilang lisensya.
Nitong nagdaang mga araw sunod-sunod ang reklamo laban sa mga abusado at nananakit na taxi drivers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.