M3.9 na lindol naitala sa Sultan Kudarat

By Rhommel Balasbas November 04, 2019 - 04:35 AM

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Sultan Kudarat alas-2:42 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 20 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Palimbang.

May lalim ang pagyanig na 559 kilometro.

Samantala, isang magnitude 3.3 na aftershock ang naitala sa Cotabato alas-12:32 kaninang madaling-araw.

Ang episentro naman ng pagyanig ay sa layong 21 kilometro Timog-Kanluran ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 25 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

TAGS: Cotabato, palimbang, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sultan kudarat, tectonic quakes, Tulunan, Cotabato, palimbang, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sultan kudarat, tectonic quakes, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.