AirAsia may seat sale mula ngayong araw hanggang Nov. 10

AP File

May alok na seat sale ang budget carrier na AirAsia mula ngayong araw hanggang sa November 10.

Sa anunsyo araw ng Linggo, sinabi ng AirAsia na 6 million promotional seats ang available para sa booking.

Ang pasahe para sa AirAsia BIG members ay aabot lang sa P290 para sa mga flights mula Clark, P327 para sa mga flights mula Cagayan de Oro, P490 mula sa Cebu at P790 mula sa Maynila

All-in fares na ang naturang mga pasahe at kasama na ang taxes at fees.

Ang travel period ay mula April 27, 2020 hanggang March 1, 2021.

Read more...