Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Commonwealth Avenue, Quezon City bago mag-alas-6:00 ng gabi ng Linggo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, damay din sa sunog ang Datu Tahil Talipapa na una nang inakala na Commonwealth Market.
Mabilis na sumiklab ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at ang talipapa.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula eksakto alas-7:09 ng gabi.
Nasa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang nasa P150,000 halaga ang pinsala sa ari-arian.
Maswerte namang walang nasaktan sa sunog.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.