Bilang ng pasahero sa mga pantalan, nasa higit 83,000 – PCG
Umabot sa mahigit 83,000 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa buong bansa, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa tala ng PCG mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi, araw ng Linggo (November 3), nasa kabuuang 83,180 ang outbound passengers sa mga pantalan.
Pinakamaraming naitala sa Western Visayas na may 18,489 na pasahero sa mga pantalan sa Iloilo, Aklan, Capiz, Antique at Guimaras.
Sumunod dito ang Central Visayas na may 15,723 na pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes.
Sa Southern Tagalog, mayroong 11,638 na pasahero sa mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon, Northern Quezon.
Narito naman ang bilang ng mga pasahero sa iba pang pantalan sa bansa:
– Southern Visayas (9,409)
– South Western Mindanao (5,120)
– South Eastern Mindanao (4,817)
– Bicol (4,017)
– Northern Mindanao (7,054)
– Eastern Visayas (2,765)
– Palawan (1,532)
– North Western Luzon (1,257)
– National Capital Region-Cantral Luzon (1,184)
– North Eastern Luzon (175)
Sinabi ng PCG na patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga bibiyaheng pasahero sa mga pantalan matapos ang paggunita ng Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.