Mga taga-Cotabato, walang dapat ikabahala sa napapaulat na umano’y presensiya ng ISIS sa Maguindanao – Mayor Guiani-Sayadi

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 10:12 PM

Nilinaw ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na walang dapat ikabahala ang mga residente ukol sa napapaulat na umano’y presensiya ng pinaniniwalaang miyembro ng ISIS terrorist group sa ilang karatig-bayan sa Maguindanao.

Sa inilabas na pahayag sa Facebook, sinabi ng alkalde na ipinakalat na niya ang mga opisyal ng mga barangay lalo na sa mga malapit sa boundary ng lungsod.

Layon aniya nitong matiyak na hindi makakapasok ang mga armadong grupo sa Cotabato City.

Humiling na rin aniya siya ng tulong mula sa pwersa ng pulisya at militar na higpitan ang ipinatutupad na checkpoints papasok at palabas sa Cotabato City.

Maliban dito, tinututukan din aniya ang mga ilog na posibleng daanan ng mga rebeldeng grupo.

Kasabay nito, humiling si Guiani-Sayadi ng kooperasyon mula sa mga taga-Cotabato City para sama-samang ipagtanggol ang lungsod mula sa mga grupong posibleng sumira ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Kung mayroon aniyang mapansin na kahina-hinalang indibidwal, agad itong i-ulat sa mga otoridad.

TAGS: Cotabato City, ISIS, maguindanao, Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi, Cotabato City, ISIS, maguindanao, Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.