4 na umano’y carjacker, patay sa shootout sa Bulacan

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 03:53 PM

Nauwi sa shootout ang operasyon ng pulisya sa Plaridel, Bulacan Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Col. Chito Bersaluna, director ng Bulacan police, tumanggi ang apat na hinihinalang carjacker nang pahintuin ng mga pulis sa Barangay Bagong Silang bandang 3:50 ng madaling-araw.

Mabilis na pinatakbo ng mga suspek ang sakay na Toyota Vios na sinasabing ninakaw sa bayan ng Pulilan.

Dito na nasawi ang apat kasabay ng ikinasang hot pursuit operation.

Nakuha sa mga suspek ang isang caliber 45 pistol, dalawang caliber 38 revolver at isang Uzi submachine gun.

TAGS: Barangay Bagong Silang, Bulacan Police, carjacker, toyota vios, Barangay Bagong Silang, Bulacan Police, carjacker, toyota vios

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.