LOOK: Gretchen Barretto, kasamang nagdiwang sina Tonyboy Cojuangco at Atong Ang

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 03:33 PM

Nagdiwang ang aktres na si Gretchen Barretto kasama ang partner na si Tonyboy Cojuangco at businessman na si Atong Ang.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post si Gretchen ng video kung saan makikita ang pagbubukas nito ang isang mamahaling alak.

Kita sa video na magkatabi at magkasamang nag-iinuman sina Tonyboy at Atong.

Ibinahagi rin ni Gretchen ang video ng mga pagkain sa selebrasyon tulad ng steak.

Matatandaang nagkaroon ng ispekulasyon na mayroon umanong namamagitan sa pagitan nina Gretchen at Atong matapos lumabas ang larawan kung saan magkahawak sila ng kamay sa eroplano.

Nilinaw naman ito ni Atong at sinabing malapit silang magkakaibigan kasama si Tonyboy.

TAGS: Atong Ang, Gretchen Barretto, Tonyboy Cojuangco, Atong Ang, Gretchen Barretto, Tonyboy Cojuangco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.