ASEAN leaders, hinimok ni Pangulong Duterte na iwasang kumampi sa US at China
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na iwasang kumampi sa Amerika o China.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pahayag sa 35th ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand kung saan lumalala ang tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Amerika at China.
Ayon kay Panelo, ipinupunto ni Pangulong Duterte na isang strategic mistake o malaking pagkakamali ang kumampi sa isang bansa.
Ayon sa pangulo, ginawa na aniya ito ng Pilipinas noong nakaraang administrasyon kung saan naging kawawa lamang ang bansa dahil sa naapektuhan ang kalakalaran.
Kinikilala naman aniya ng pangulo na nagkakaroon ng pagbabago sa regional landscape kung saan umuusbong ang China sa mundong dating pinaghaharian ng Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.