Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol sa Tulunan, Cotabato Linggo ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 22 kilometers Southeast ng Tulunan bandang 2:05 ng hapon.
12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Wala namang naitalang pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES