(UPDATED) Nagsimula nang bumigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX), Linggo ng hapon.
Ito ay kasabay ng inaasahang pagbuhos ng mga motoristang pabalik ng Metro Manila galing sa iba’t ibang lalawigan matapos ang paggunita ng Undas.
Batay sa post ng NLEX Corporation sa Twitter, unti-unti nang dumarami ang mga motorista sa kahabaan ng NLEX hanggang Bocaue southbound bandang 5:00 ng hapon.
Mabagal na ang paggalaw ng mga sasakyan sa bahagi ng San Simon hanggang Candaba viaduct at San Fernando.
Light traffic naman ang nararanasan sa Balintawak, Segment 10/C3 Exit at Mindanao Exit.
Moderate traffic naman ang nararanasan sa bahagi ng Bocaue Barrier.
Samantala, sinabi naman ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. na heavy traffic na ang nararanasan sa Alabang viaduct northbound kung saan ang tail end ay nasa San Pedro bandang 6:00 ng gabi.
Maluwag pa naman ang bahagi ng Ayala at Calamba toll plaza.