Lorenzana, ipinag-utos sa AFP ang pagtatalaga ng checkpoints sa mga apektado ng lindol sa Mindanao
Ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtalaga ng mga checkpoint sa mga lugar na apektado ng malalakas na lindol sa Mindanao.
Ibinaba ni Lorenzana ang kautusan sa AFP na maglagay ng checkpoints sa bahagi ng Davao del Sur at North Cotabato.
Layon aniya nitong masuri ang mga pumapasok at lumalabas na tao sa evacuation centers.
Ito ay para matiyak aniya na naibibigay sa mga biktima ng lindol ang relief goods at supplies na handog ng gobyerno.
Maliban dito, sinabi rin ni Lorenzana na para makasiguro ang mga otorisadong relief worker lamang ang nasa loob ng evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.