Klase sa Davao City, balik-normal na sa Nov. 5

Magbabalik-normal na ang klase sa mga paaralan sa Davao City sa Martes, November 5.

Ito ay matapos ang tumamang malalakas na lindol sa Mindanao region.

Sa inilabas na anunsiyo, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sakop nito ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang post-graduate studies sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, para sa Lunes (November 4), ipinag-utos ng alkalde sa pamunuan ng mga paaralan na magsagawa ng pagsisiyasat sa mga gusali, earthquake action plan at disaster manual para matiyak ang kaligtasan ang mga estudyante at empleyado.

Inatasan din ang lahat ng paaralan na magsagawa ng earthquake at fire drill isang beses sa isang buwan.

Inabisuhan din ang mga paaralan na kumuha ng mga eksperto na makakatulong na mapawala ang trauma at stress ng mga mag-aaral bunsod ng lindol.

Matatandaang tatlong malalakas na lindol ang tumama ang Mindanao sa buwan ng Oktubre.

Read more...