Binabantayang LPA sa bahagi ng Puerto Princesa, malabong maging bagyo – PAGASA

By Chona Yu November 03, 2019 - 01:19 PM

Photo grab from PAGASA’s website

Maliit ang tsansa na maging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio na nasa 420 kilometers west northwest ng Puerto Princesa ang LPA.

Maari lamang aniyang maging bagyo ang LPA kapag nakalabas na ng Pilipinas.

Pero ayon kay Aurelio, nakapaloob ang LPA sa isa pang weather system na Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) dahilan para makaranas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan at thunderstorm ang MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Makararanas naman ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang Ilocos region, Cordillera, Cagayan Valley, at Aurora province dahil naman sa Amihan.

Ayon kay Aurelio, ang nalalabing bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila, ay makararanas ng maaliwas na panahon maliban na lamang sa hapon o gabi kung saan makararanas ng mga pulu-pulong pag-ulan dahil naman sa thunderstorm.

Wala namang namamataan ang PAGASA na bagong sama ng panahon sa bansa.

TAGS: LPA, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, Puerto Princesa, LPA, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, Puerto Princesa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.