Bilang ng pasahero sa mga pantalan, nasa higit 23,000 – PCG

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 12:52 PM

Photo grab from PCG’s Twitter account

Nasa mahigit 23,000 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa buong bansa, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa tala ng PCG mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Linggo (November 3), nasa kabuuang 23,376 ang outbound passengers sa mga pantalan.

Pinakamaraming naitala sa Central Visayas na may 6,393 na pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes.

Sumunod dito ang South Eastern Mindanao na may 4,757 na pasahero sa bahagi ng Davao at Igacos.

Ang Southern Tagalog ay mayroong 4,020 na pasahero sa mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon, Northern Quezon.

Samantala, nasa higit 2,000 pababa naman ang bilang ng mga pasahero sa Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Visayas at Eastern Visayas.

Sinabi ng PCG na patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga bibiyaheng pasahero sa mga pantalan kasabay ng paggunita ng Undas.

TAGS: outbound passengers, pantalan, PCG, undas 2019, outbound passengers, pantalan, PCG, undas 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.