Mga nasirang imprastraktura dahil sa dalawang malakas na lindol sa Mindanao, umabot na halos 29,000 – NDRRMC

Umabot na sa halos 29,000 ang bilang ng mga nasirang imprastraktura dahil sa dalawang malakas na pagyanig sa Mindanao.

Batay sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, mula sa 28,224, umakyat sa 28,932 ang bilang ng mga napinsalang imprastraktura sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 27,845 ang nasirang bahay, 864 na paaralan habang 73 naman ang health centers.

Maliban dito, 81 na pampublikong istraktura ang napinsala, 38 ang pribado at commercial buildings at 21 naman ang mga nasirang kalsada at tulay.

Patuloy naman ang isinasagawang assessment ng ahensya sa naging pinsala sa Mindanao ng pagyanig.

Read more...