DSWD patuloy sa pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng lindol
Patuloy sa pagpapadala ang mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief goods sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng malalakas na lindol.
Ilang trak ng relief items mula DSWD Bicol ang nakatakdang dumating sa Kidapawan City, Cotabato sa Martes.
Kabilang sa relief goods mula Bicol ang 20,000 blankets, 20,000 malong, 300 tents at 200 rolyo ng laminated sacks na para sa 2,000 kabahayan.
Nagpadala na rin ng tulong ang DSWD Region 7 sa Cebu City.
Isinakay sa barkong MRRV 4406 ng Philippine Coast Guard sa Central Visayas ang 18 toneladang relief goods papuntang pantalan sa Cagayan de Oro City.
Kasama sa shipment ang 70,000 sardinas, 30,000 malong at 50 rolyo ng 100-meter laminated sacks.
Dadalhin ang relief items sa ilang bahagi ng Davao Region at Soccsksargen na matinding napinsala ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.