Lalaki patay sa sunog sa Batangas dahil sa napabayaang kandila

By Len Montaño November 03, 2019 - 02:46 AM

Patay ang isang 50 anyos na lalaki matapos itong ma-trap sa kanyang kwarto sa gitna ng sunog sa bahay nito sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Renato Fidel Velasco, empleyado ng isang petroleum company.

Ayon kay Nasugbu Fire Sr. Insp. Benjie Caca, posibleng nagsimula ang sunog mula sa napabayaang kandila.

Ang kandila ay sinasabing sinindihan sa gitna ng Undas.

Sinindihan ang kandila malapit sa kwarto ni Velasco sa ikalawang palapag ng bahay sa Barangay Pantalan.

Natutulog ang biktima habang naghahanda ng pagkain ang pamilya nito nang sumiklab ang sunog.

Agad na humingi ng tulong ang mga kaanak ni Velasco nang kumalat ang usok sa ikalawang palapag ng bahay na mayroong mga antique at native na mga gamit na ayon sa otoridad ay mabilis masunog.

Pagdating ng mga bumbero ay wala ng malay ang biktima at nasunog na ang katawan nito.

Hindi na umabot ng buhay sa Jabez Medical Center ang lalaki.

 

TAGS: Batangas, kandila, Lalaki patay, napabayaan, Nasugbu, sunog, Undas, Batangas, kandila, Lalaki patay, napabayaan, Nasugbu, sunog, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.