Ayon sa Pagasa, iiral ang parehong lagay ng panahon sa MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Maulap din ang panahon na may kaunting pag-ulan sa Cordillera, Cagayan at Central Luzon dahil naman sa Northeast Monsoon o Hanging Amihan.
Asahan naman ang party cloudy to cloudy skies na may isolated rainshowers sa natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms.
Samantala, nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao habang ang isa pang LPA sa Sulu Sea ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).