Metro Manila at ibang lugar sa bansa uulanin ngayong araw dahil sa ITCZ

By Len Montaño November 03, 2019 - 02:29 AM

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang panahon sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa ngayong araw ng Linggo dahil sa epekto ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Ayon sa Pagasa, iiral ang parehong lagay ng panahon sa MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Maulap din ang panahon na may kaunting pag-ulan sa Cordillera, Cagayan at Central Luzon dahil naman sa Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Asahan naman ang party cloudy to cloudy skies na may isolated rainshowers sa natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms.

Samantala, nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao habang ang isa pang LPA sa Sulu Sea ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

TAGS: amihan, ITCZ, LPA, maulap na panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms, amihan, ITCZ, LPA, maulap na panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.