outbrain

9 na batang lalaki patay sa landmine sa Afghanistan

By Len Montaño November 03, 2019 - 02:09 AM
AP photo

Patay ang siyam na batang lalaki sa landmine explosion sa Afghanistan.

Ang bomba ay natapakan ng mga bata na ang mga edad ay nasa pagitan ng pito hanggang 11 taong gulang.

Nangyari ang insidente sa Darqad district sa probisnya ng Takhar na kontrolado ng grupong Taliban.

Ayon sa gobernador ng Takhar, ang Taliban ang naglagay ng landmine.

Pero walang pahayag ang Taliban kung sila ang nasa likod ng pagsabog.

Sa nakalipas na mga buwan ay nasa 17 mga bata na ang namatay sa pagsabog ng landmine sa iba pang lugar sa Afghanistan.

 

TAGS: 9 na bata, afghanistan, landmine, pagsabog, patay, Taliban, 9 na bata, afghanistan, landmine, pagsabog, patay, Taliban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.