Claudine sa video ni Marjorie: “Di ko pipigilan sarili ko”

By Len Montaño November 03, 2019 - 01:50 AM

Nadagdagan ang galit ni Claudine Barretto sa kapatid nitong si Marjorie Barretto.

Ito ay kasunod ng lumabas na video ni Marjorie kung saan mapapanood na may tinutukoy itong Inday.

Sa video ay sinabi ni Marjorie ang katagang “super drama to death si Inday.”

Pero hindi malinaw kung ang ina nilang si Inday ang tinutukoy ni Marjorie sa video.

Dahil dito ay nagpupuyos na naman sa galit si Claudine.

Sa kanyang Instagram video ay sinabi ni Claudine na nagpasalamat siya sa Diyos na hindi niya nasaksihan ang pangyayari kundi ay baka hindi umano nito napigilan ang kanyang sarili.

Pero sa ngayon ay wala na ang video na maaaring tinanggal ng aktres.

Giit ni Claudine, kumpara sa kanila ni Marjorie ay siya ang totoong “good daughter.”

Matatandaan na una ng sinabi ni Marjorie na siya ang good daughter dahil hindi anya tulad ng kanyang ate na si Gretchen ay lagi siyang present sa mga event ng kanilang pamilya.

 

TAGS: Claudine Barretto, good daughter, inday, Marjorie Barretto, Claudine Barretto, good daughter, inday, Marjorie Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.