NDRRMC: Bilang ng namatay sa mga lindol sa Mindanao umakyat sa 21

By Len Montaño November 03, 2019 - 12:15 AM

PGC photo

Umabot na sa 21 ang bilang ng nasawi sa dalawang magkasunod na malakas na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang araw ng Sabado ay nasa 21 na ang kumpirmadong namatay sa magnitude 6.6 na lindol noong October 29 at magnitude 6.5 na lindol noong October 31.

Tatlo ang death toll sa Region XI habang 18 ang namatay sa Region XII.

Umakyat naman sa 331 ang bilang ng nasugatan habang nananatili sa dalawa ang nawawala.

Samantala, nakaapekto ang mga lindol sa 29,479 na pamilya o 147,395 na indibidwal sa 149 na barangay sa Regions XI at XII.

Sa naturang bilang, 4,257 na pamilya o 21,285 katao ang nasa evacuation centers.

Nasira naman ang 28, 224 na imprastraktura kabilang ang 27,350 na bahay, 757 na eskwelahan, 37 health facilities, anim na simbahan, 26 na establisyimento, 18 na kalsada at tulay at 30 iba pang public structures.

Narito ang pagka-kilanlan ng mga nasawi:

Davao del Sur:

Jessie Riel Parba

Benita B. Saban

Romulo Naraga

South Cotabato:

Nestor Narciso

Marcelo Tare

Cotabato:

Samuel Linao Andy

Renee Corpuz

Remia B. Angal

Patricio Lumayon

Pao Zailon Abdulah

Isidro Gomez

Cesar Benjie Bangot

Romel Galicia

Priscilla Varona

Juve Gabriel Jaoud

Tessie Alacayde

Melacio Laxamana

Melissa Jamero

Nimfa Sabernas

Elma Rose Casuela

Sultan Kudarat:

Lito Peles Mino

 

 

 

TAGS: 21 namatay, death toll, lindol, Mindanao, NDRRMC, 21 namatay, death toll, lindol, Mindanao, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.