No. 3 most wanted ng NPD arestado; P684K na halaga ng shabu nasamsam

By Noel Talacay November 02, 2019 - 11:01 PM

NPD photo

Timbong ang isang lalaki na No. 3 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos ang ikinasang surveillance operation laban sa suspek bandang alas-6:30, Biyernes ng gabi, November 1.

Target ng operasyon ang suspek na si Saude Abbas Monti, 31 anyos, residente ng Barangay 188, Tala, Caloocan City.

Ayon kay Police Brigadier General Ronaldo Genaro Ylagan ng NPD, isang tulak umano ng droga si Monti.

NPD photo

Matapos ang nasabing operasyon, narekober ng mga pulis mula sa suspek ang 100.46 grams na shabu na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P684,000.

Maliban dito, nakuha ang calibre .38 revolver na nakatago sa baywang ng suspek at may lamang dalawang bala at ang perang P1,500.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag kaugnay sa ipinagbabawal na droga at pagdala ng hindi lisensyadong baril.

 

TAGS: Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, calibre .38 revolver, caloocan city, higit 100 gramo, No. 3 most wanted, npd, shabu, Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, calibre .38 revolver, caloocan city, higit 100 gramo, No. 3 most wanted, npd, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.