4 na tonelada ng mga basura nahakot sa mga sementeryo sa Cebu City

By Len Montaño November 02, 2019 - 10:30 PM

CDN Digital Photo/ Gerard Vincent Francisco

Apat na tonelada ng mga basura ang iniwan ng mga bumisita sa kanilang ng mga namayapa sa mga pampublikong sementeryo na Carreta at Calamba sa Cebu City.

Ayon kay Engineer Joel Biton, pinuno ng Cebu City Department of Public Services, karamihan sa nahakot na mga basura ay plastic, bulaklak at styrofoam.

Hindi pa kabilang sa mga nakolekta ang iba pang uri ng basura mula sa dalawang sementeryo mula November 1.

Inaasahan na mas marami pang basura ang makukuha sa lahat ng 23 public at private cemeteries sa lungsod sa araw ng Linggo.

Nakatulong naman ang ordinansa laban sa pagtatapon ng basura sa pagkaunti ng nahakot na mga basura.

Nasa 29 ang lumabag sa ordinansa kung saan P500 ang multa.

Mahigit 3,000 ang naitalang pumunta sa Carreta Cemetery habang tinatayang 4,000 ang bumisita sa Calamba Cemetery ngayong Undas.

 

TAGS: 4 na tonelada, Basura, bulaklak, Calamba, Carreta, Cebu City, platic, sementeryo, styrofoam, Undas, 4 na tonelada, Basura, bulaklak, Calamba, Carreta, Cebu City, platic, sementeryo, styrofoam, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.