Ilang mga oil companies magkakaroon ng bawas presyo sa petrolyo

By Marlene Padiernos November 02, 2019 - 08:32 PM

Good news para sa mga motorista!

Muling magkakaroon ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis.

Nauna nang nag-anunsyo ng rollback ang Petron at Shell pati na rin ang kumpanya ng Clean Fuel na isang independent player.

Bababa ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P0.10 naman ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Magiging epektibo naman ang nasabing rollback ng Shell at Petron sa darating na Martes, Nov. 5.

Habang ang bawas presyo naman sa kumpanya ng Clean Fuel ay magsisimula na bukas ng hapon, Nov. 3.

Samantala, hindi pa nagpapatupad ng kanilang tapyas presyo sa petrolyo ang iba pang mga kumpanya ng langis.

TAGS: clean fuel, diesel, gasolina, Petron, rollback, Shell, clean fuel, diesel, gasolina, Petron, rollback, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.