Umabot na sa 17,000 bilang ng mga taong bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong Araw ng mga Kaluluwa.
Bandang tanghali ngayong araw nang magsimulang lumobo ang bilang ng mga bumibisita sa libingan na patuloy pang nadadagdagan dahil sa pagdagsa ng mga tao upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay.
Samantala, patuloy pa rin na ipinapatupad ng mga otoridad ang mahigpit na seguridad sa buong lugar upang makaiwas na anumang hindi inaasahang insidente.
Ayon sa ulat, bagama’t walang naitalang mga untoward incident mula nang magsimula ang paggunita sa Undas ay madami namang mga pasaway ang nahuli at nakumpiskahan ng iligal na mga paninda kahit na mahigpit na pinagbabawal ang pagtitinda sa loob ng sementeryo.
Samantala, ayon kay Manila Police District chief Police Brigadier General Bernabe Balba, isang malaking factor ang pagkakaroon ng maaliwalas na panahon ngayon sa pagdagsa ng mga tao.